wala sa plano
ang pag daan mo sa aking paningin
kahit na segundo lamang ang tinagal
kahit gilid at likod mo lng ang nakita ko
kontento na...
at habang ako'y patuloy na nahuhulog
paliit ka ng paliit sa lente ng mga mata
pag hakbang mo ay papalayo
salungat sa direksyon ko
kaya naman kumbinsido ako
na ang pag tagpo natin ay ordinaryong pangyayari lng
hindi eto isang senaryo ng "tamang tao sa maling oras"
eto ay isa lamang "estrangherong naakit sa isa pa, panandalian, at malamang sa malamang ay hindi mag tatagal"
Poems?
Comments
No comments yet.