randomthoughts?

gusto ko

gusto ko ng bahay
gusto ko ng hardin
gusto ko ng hindi kalakihang kwarto
gusto ko ng espasyo para sa mga papel, lapis at instrumento ko
gusto ko makatulog ng mahimbing
gusto ko magising at bumangon ng mahinahon
gusto ko mag muni-muni sa labas
gusto ko kumain
gusto ko kumanta
gusto ko mag sulat
gusto ko lumikha

at sobrang dami pa

andami ko palang gusto
pero ang totoo
tamad ako
puro gusto lng
wala namang aksyon
gusto ko neto
gusto ko nyan
hanggang ganyan nalang

kaya kung sa dulo
hindi ko nakuha ang mga gusto ko
wala akong ibang dapat sisihin
kundi ang sarili ko

Comments

No comments yet.

Leave a comment